Bilang ng patay sa Barcelona attack, umakyat na sa 14

Mula sa unang naiulat na bilang na 13, umakyat na sa 14 ang bilang ng nasawi sa pag-atake sa Barcelona, Spain kahapon.

Ito’y dahil pumanaw na ang isang babae na kabilang sa mga sugatang dinala sa ospital matapos ang pananagasa ng isang van sa mga tao sa kalsada.

Kabilang naman sa mga naitalang nasugatan ang limang Pilipino.

Samantala, napatay naman ng mga pulis ang limang mga nagbabalak pang umatake sa Cabrils, sa timog bahagi ng Barcelona.

Una nang sinabi ng Islamic State group na sila ang responsable sa naturang pag-atake.

Read more...