Dalawang sunog ang halos magkasabay na sumiklab sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.
Unang naganap ang sunog sa Road 10, Bitas, Tondo Maynila pasado alas 3:00 ng hapon.
Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago naideklara under control alas 6:09 ng gabi.
Tinatayang nasa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng nasabing sunog.
Nasa P3 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok.
Samantala, alas 3:53 naman ng hapon nang magsimula ang sunog sa Adriatico Street, Malate Maynila.
Ayon kay Superintendent Antonio Razal Jr. Fire Marshall ng Manila Fire Department, nasawi sa nasabing sunog ang mag-ama na sina Amelardo Salonga, 79 anyos at Jimmy Salonga, 47 anyos.
Natagpuan ang mag-ama sa CR ng nasunog nilang bahay.
Umabot sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog bago naideklarang under control alas 7:22 ng gabi.
WATCH: Mga bahay na naapektuhan sa sunog sa Malate Maynila | @khyzsoberano pic.twitter.com/s3CFaNBUvs
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 18, 2017