Patay ang isang grade 10 student makaraang masagasaan ng tren ng Philippine National Railway (PNR) sa Makati.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNR operations manager Joseline Geronimo na nakababa na ang boom ng tren pero lumusot pa rin ang binatilyo at saka naglakad pa sa riles na pa-northbound.
Nakasuot aniya ng headseat ang estudyante at nakayuko kaya marahil hindi nito narinig na mayroong tren na paparating sa kaniyang likuran at sinisigawan na siya ng ibang pasahero.
Mayroon ding paparating na tren na pa-southbound kaya marahil inakala ng binatilyo na ang naririnig niyang busina ay mula sa nasabing tren at hindi niya napansin na may tren sa likuran niya.
Sa San Antonio National High School nag-aaral ang binatilyo at pauwi na ito sa bahay nang mangyari ang insidente sa Vito Cruz station.