Ayon Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ito ay para matanggap nila ang kanilang back pay at livelihood opportunities.
Aniya, nagpahayag din ng suporta kay Duterte, at nag-alok ng tulong ang mga myembro ng RAM.
Naniniwala si Abella na maganda ang pagtingin ni Duterte sa kanilang pagpupulong. Aniya, posibleng bukas ang pangulo sa kahilingan ng RAM, ngunit hindi pa niya matiyak ang magiging aksyon nio Duterte.
Noong Miyerkules, nakipagpulong sa Pangulo sina Senator Gringo Honasan, retired captain Glen Agudo, retired captain Felix Turingan, retired Navy commodore Rex Robles, retired coloel James Joven, retired police director Victor Batac, at engineer Jegie Pineda.
Ang RAM ay binubuo ng military officers na malaki ang naging papel sa EDSA people power revolution.