Ilalabas na sa susunod na buwan ang upgraded cyber-security framework para sa pagpapalakas ng depensa ng mga bangko ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla.
Aniya may dalawang bagong sistemang susubukan ang BSP, una dito ang pagkakaroon ng mabilis na paggalaw sa pagitan ng regulator at mga financial institutions.
Pangalawa ang pagkakaron ng automated complaint handling system para sa mga consumers gamit ang internet, SMS at ang messaging app na Viber.
Ayon pa kay Espenilla marami ng ginawang investment ang mga bangko para palakasin ang kanilang mga IT system.
Hinigpitan na rin ng BSP ang mga protocol mula ng maganap ang paglipat ng mga hacker ng nasa 81 million dollars mula sa account Bangladesh sa New York Federal Reserve papuntang Rizal Commercial Banking Corp. branch sa Makati City noong Pebrero ng nakaraang taon.
Kaugnay nito, nitong Hunyo lang ay inamin ng BDO Unibank na sa pitong mfga ATM nito ang nakompromiso ng skimming attack na nagdulot ng mga hindi otorisadong mga transaksiyon.
Una na ring inutusan ng BSP ang mga money changers at remittance centers na higpitan ang kanilang record-keeping sytems.