Ganito isinalarawan ng mga otoridad sa Spain ang pagragasa ng isang van sa dose-dosenang tao sa Las Ramblas, Barcelona Spain.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni Catalonia’s interior minister Joaquim Forn na 13 na ang namamatay at mahigit 50 ang nasugatan sa pag-atake.
Kinumpirma na rin ng lokal na pulisya na isang lalaki ang naaresto na may koneksyon sa pananagasa.
Sa twitter post ng local police, sinabi nitong itinuturing na isang terorista ang suspek.
Ipinahatid naman ng Estados Unidos sa pamamagitan ni U.S. Secretary of State Rex Tillerson ang pakikisimpatya sa Spain at sinabing handang tumulong ang bansa upang imbestigahan ang pag-atake na kumitil sa buhay ng higit sa isang dosena.
Sa isang pahayag sa harap ng media sinabi ni Tillerson na ang nangyari sa Barcelona ay may mga marka na maituturing bilang “terrorist attack”.
Bago pa man ito, agad na ipinag-utos ni Prime Minister Mariano Rajoy ang koordinasyon ng mga otoridad at mabilisang pagtulong sa mga nasugatan.
Noong July 2016, ginamit rin ang ilang mga sasakyan sa pag-atake sa ilang mga lungsod sa Europa na kumitil sa buhay ng mahigit 100 katao sa Nice, Berlin, London at Stockholm.
Nanawagan ang pamahalaan na manatili ang mga residente sa kanilang mga tahanan at lumayo sa lugar.
Samantala, sa pinakahuling update, inako na ng Islamic State ang pag-atake.