Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DSWD Social Worker Officer 2 Lisa B. Camacho na ang mga nabahaginan ay kabilang sa 75, 072 na qualified beneficiaries mula sa Western Visayas.
Sa pamamagitan ng isang cash card na inisyu ng Land Bank of the Philippines, natanggap ng mga recipients ang presidential assistance.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 3,973 recipients ang nakatanggap sa Iloilo; 2,902 sa Aklan, 2,396 sa Antique at 1,718 na ang nakatanggap sa Capiz.
Sinimulan ang pamamahagi ng cash card noong May 29 at target na tapusin bago matapos ang Setyembre.
Ang mga nabigyan ng 5,000 presidential assistance ay hindi nakatanggap ng mga nauna ng government assistance tulad ng Emergency Shelter Assistance, National Housing Authority (NHA) Permanent Shelter Project, DSWD Core Shelter Projects at iba pang programang pabahay ng pamahalaan.
Kabilang ang nasabing financial assistance sa 1 bilyong pisong pondo ng Socio-Civic Fund ng tanggapan ng Pangulo.