Ito ay matapos suwayin ng transport network group ang kautusan ng LTFRB sa pansamantalang pagpapatigil sa accreditation ng mga bagong drivers at mga kotse habang hindi pa nareresolba ang mga problema.
Ani Poe, dapat ay maging mapagkumbaba ang Uber kahit na alam ng kumpanya na maraming commuter ang umaasa sa serbisyo nito.
Gusto man ng pamahalaan na maiwas ang publiko sa ‘inconvenice’ hindi raw dapat abusuhin ng Uber ang simpatyang nakukuha nito mula sa mga tao.
Anya, nasa 200,000 pasahero ang gumagamit ng Uber at nanawagan ang senadora sa LTFRB na ikonsidera ang pagbibigay ng multa sa TNC at huwag nang patagilin ang suspensyon nito.
Kung sakaling mabigyan ng pagkakataon at muling gumawa ng kalokohan, doon na anya nararapat na patawan na ng suspensyon ang Uber.
Muling iginiit ni Poe ang pagkakaroon na ng mas malinaw na guidelines sa mga ride-sharing services.