Sa kaniyang pagbisita sa Ozamiz City, muli siyang nangako sa mga pulis na susuportado niya ang mga ito sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin at na bibigyan niya ang mga pulis ng proteksyon.
Dahil dito, pinayuhan niya ang mga ito na huwag mag-atubiling itumba ang mga salot sa lipunan, at sakali man na makasuhan ang mga ito dahil sa kanilang trabaho, titiyakin niyang hindi makukulong ang mga ito.
Sakaling makasuhan ang mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin, kailangan pa ring dumaan sa tamang proseso ng mga ito pero tiniyak niyang bibigyan niya ang mga pulis ng absolute pardon at baka i-promote niya pa sa mas mataas na ranggo.
Gayunman, handa ang pangulo na magbigay ng P2 milyong pabuya sa sinumang makapapatay sa pulis na sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Maliban aniya sa P2 milyong reward, baka bigyan niya pa ng libreng tickets papuntang Hong Kong ang makakagawa nito.
Wala ring pakialam si Duterte kung may napapatay na mga kriminal sa kampanya laban sa iligal na droga, maging mga alkalde man ito o mambabatas.
Ani Duterte, dapat buwagin ng pulisya ang mga organisasyon ng mga sindikato ng droga nang walang pinalulusot na sinuman sa mga sangkot dito.