Van, nanagasa ng mga namamasyal sa Barcelona Spain; terror attack sinisilip

 

“Massive crash”.

Ganito isinalarawan ng mga otoridad sa Spain ang pagragasa ng isang van sa dose-dosenang tao na ikinasugat ng iilan sa Las Ramblas, Barcelona Spain.

Agad na tumakas ang suspek sa sasakyan matapos managasa.

Ayon sa isang istasyon ng radyo na ‘Cadena Ser’, nasa 13 na ang naiuulat na namatay ayon sa impormasyon na ibinigay ng mga pulis.

Taliwas naman ito sa report ng media rin na ‘El Pais’ na nagsasabing 10 na ang namamatay.

Matapos ang insidente ng pananagasa, agad na inireport ng pahayagang ‘El Periodico’ na may isang pag-atake din na naganap sa isang bar sa sentro ng Barcelona at narinig umano ang ilang serye ng pagputok

Hindi naman masabi ng mga otoridad kung konektado ba ang nasabing mga insidente at kung isa itong ‘terror attack’.

Agad na ipinag-utos ni Prime Minister Mariano Rajoy ang koordinasyon ng mga otoridad at mabilisang pagtulong sa mga sugatan.

Noong July 2016, ginamit rin ang ilang mga sasakyan sa pag-atake sa ilang mga lungsod sa Europa na kumitil sa buhay ng mahigit 100 katao sa Nice, Berlin, London at Stockholm.

Ayon sa isang White House spokeswoman, nakamonitor na rin si US President Donald Trump sa sitwasyon sa Barcelona.

Nanawagan ang pamahalaan na manatili ang mga residente sa kanilang mga tahanan at lumayo sa lugar.

 

Read more...