Hinimok din ni Robredo ang publiko na kundenahin ang naturang insidente.
Aniya, matagal nang tinutuligsa ng sambayanan ang culture of impunity, at hindi dapat hayaang bumalik ito.
Giit ng Pangalawang Pangulo, dapat panagutin sa pamamagitan ng due process ang mga kriminal.
Dagdag ni Robredo, sa mga insidenteng gaya nito, hindi na nasisiguro na umiiral ang hustisya para sa lahat.
Sa ikinasang anti-drug operations ng Bulacan police noong Lunes nang gabi hanggang Martes nang umaga, umabot sa 32 drug suspects ang napatay habang 107 naman ang arestado.
Sa anti-drug operations naman ng Manila police mula Miyerkules nang gabi hanggang Huwebes nang tanghali, hindi bababa sa 26 na suspek ang napatay.