Isinusulong ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na imbestigahan ng Kamara ang nawawalang P21 Billion na Malampaya funds.
Sa pagdinig ng Kamara para sa 2018 budget ng Department of Energy, inalam ni Zarate kung saan napunta ang nawawalang pondo.
Base anya sa resulta ng isinagawang audit ng COA ang nawawalang pondo ay mula sa remittance ng Malampaya mula sa unreported na Special Allotment Release Order o SARO.
Matagal na anyang nagamit ang pondo pero ngayong taon lamang naipasok sa libro na unreported ang nasabing SARO.
Mahalaga ayon kay Zarate na malaman kung saan nagamit ang nasabing pondo dahil malinaw sa batas na ang Malampaya Funds ay para lamang sa mga proyekto may kaugnayan sa produksyon ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES