Aguirre inakusahan ng pagtatago ng records ng mga napatay sa war on drugs

Kumbinsido si Sen. Franklin Drilon na sinasadyang itago ni Justice Sec Vitaliano Aguirre ang statistics at totoong bilang ng mga napapatay na mga drug suspects sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.

Sa panayam, sinabi ni Drilon na base sa mga testimonya ay umabot na sa mahigit sa 4,000 napapatay sa illegal drugs operations pero mayroon lamang umanong 37 mga kaso ang iniimbestigahan ng NBI, na nasa ilalim ng opisina ng kalihim.

Dahil dito, iginiit ni Drilon ang umanoy ‘dismal performance’ ng NBI sa pag-imbestiga sa mga kaso ng extra judicial killing sa bansa.

Kaugnay nito, hindi kaagad nakalusot sa pagdinig ang proposed P17.2 Billion budget ng DOJ at mga attached agencies nito, kung saan pinababalik pa sa muling pagdinig ng senate committee on finance sina Aguirre upang magharap ng mga dokumentong hinahanap ni Drilon kaugnay sa mga kaso ng EJKs.

Read more...