Upgraded version ng ‘selfie’ tampok sa bagong labas na smartphone ng Nokia

Inilunsad na ng Nokia ang bago nitong smartphone na Nokia 8.

Tampok sa nasabing bagong cellhone unit ang updagraded version ng ‘selfie’ na tinawag nilang ‘bothie’.

Gamit ang dual sight technology ng Nokia 8, kayang sabay na kumuha ng larawan o video ng rear at front cameras.

Magagamit din ng sabay ang front at rear cameras sa pagsasagawa ng Facebook live.

Target ng Nokia 8 na talunin ang namamayagpag sa smartphone era na Samsung, Apple at Huawei.

 

 

 

 

 

 

Read more...