Ekonomiya ng bansa lumago sa 2nd Quarter ng 2017

Inquirer Photo | Ben De Vera

Lumago ng 6.5 percent ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang kwarter ng taon.

Pero ang gross domestic product expansion mula April hanggang June ay mas naging mabagal ang pag-usad kumpara sa sa 7.1 percent sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, mas mabilis naman ang pinakahuling GDPP growth sa 6.4 percent na naitala sa unang kwarter ng 2017.

Una nang inasahan ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na ma-outperform ng second quarter GDP ang naitala sa unang bahagi ng taon.

Nadagdagan aniya ang paggastos ng gobyerno lalo na sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Nakatulong din aniya sa paglago ng ekonomiya ang magandang performance ng sektor ng agrikultura pati ang pagluluwas ng agriculture products.

Target ng pamahalaan ang 6.5 hanggang 7.5 percent na economic growth ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...