Archery team ng Pilipinas nakasungkit ng bronze medal sa SEA games

Inquirer Photo | Marc Reyes

Muling nakasungkit ng medalya ang Pilipinas sa nagpapatuloy na 29th Southeast Asian Games na ginaganap sa Kuala Lumpur Sports City sa Malaysia.

Bronze medal ang naibulsa ng men’s archery team ng bansa matapos talunin ang Vietnam.

Ang men’s archery team ay binubuo nina Paul Marton Dela Cruz, Joseph Benjamin Vicencio at Earl Benjamin Yap.

Ito na ang ikalawang bronze medal ng bansa sa archery matapos na magwagi din ng bronze Dela Cruz para sa individual action noong Miyerkules.

Sa Biyernes, muling lalaban ang team para sa mixed category.

 

 

 

 

Read more...