Tiniyak ni South Korean President Moon Jae-In na walang magaganap na giyera o kagulugan sa Korean peninsula sa kabila ng mataas na tensyon hinggil sa bantang pagpapakawala ng missiles ng North Korea.
Ayon kay Moon, hindi niya papayagang magkaroon ng gulo lalo pa at matindi ang pagsusumikap ng South Koreans para muling makabangon mula sa naging epekto ng Korean War.
Nais umano niyang magtiwala ang lahat ng mamamayan sa South Korea na walang magaganap na giyera.
Tumaas ang tensyon sa Korean peninsula matapos ang banta ng Pyongyang na aatakihin ng missiles ang US territory na Guam.
Ayon pa kay Moon, sumang-ayon si U.S. President Donald Trump nap ag-usapan muna ang mga opsyon bago gumawa ng hakbang.
READ NEXT
Indian national na napatay sa operasyon Biñan Laguna, taong 2004 pa may record ng kidnapping
MOST READ
LATEST STORIES