Mga paaralan sa bansa, kulang pa ng 47,000 na classrooms at 81,000 na guro

V and G Subd Memorial School/Ricky Brozas

Pipiliting matugunan ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan at mga guro sa mga paaralan hanggang 2018.

Base sa tala ng ahensya, aabot pa kasi sa 47,000 classrooms ang kulang sa bansa habang 81,000 teachers naman ang kinakailangan mula kindergarten hanggang senior high school.

Ayon kay DepEd Usec. Alain del Pascua, patuloy ang construction ng mga bagong gusali ng Department of Public Works and Highways para palitan ang mga luma at sira ng gusali.

Sinabi naman ni Deped Usec. Annalyn Sevilla, na patuloy din ang pagtangap nila ng aplikante para mapunan ang mga bakanteng teaching positions.

Nabatid na sa 2018 national budget, aabot sa P612.117 Billion ang budget na nakalaan sa DepEd, mas mataas ng 8 percent kumpara sa nakalipas na taon.

Samantala, umapela naman ang DepEd sa mga sundalo ng pamahalaan na iwasang gawing hideout ang mga paaralan sa Marawi City para maituring pa rin itong safe zones.

Ito’y kasunod pa rin ng mga ulat na ginagawang kampo, barracks at detachment and supply depots ng military ang Marawi schools.

 

 

 

 

 

 

Read more...