Biyahe ng MRT nagka-aberya, mga pasahero pinababa

Nakaranas muli ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit, Huwebes ng umaga.

Naganap ang aberya alas 7:29 ng umaga.

Ayon sa abiso ng MRT, isang tren nila ang nakaranas ng technical problem kaya itinaas sa category 3 ang status ng biyahe.

Pinababa ang mga pasahero ng tren sa southbound ng Buendia station.

Agad din namang napasakay ang mga apektadong pasahero sa kasunod na tren.

Kahapon, araw ng Miyerkules, dalawang beses na aberya ang naitala sa biyahe ng MRT.

 

 

 

 

 

 

Read more...