Arestado sa naturang operasyon ang apat na sina Don Kadatuan at Ibrahim Kadtugan, kabilang ang dalawang magkapatid na menor-de-edad.
Nakatakas naman ang mga magulang ng mga menor-de-edad na sina alyas ‘Elmer’ at ‘Diana’ na target ng nasabing operasyon.
Narecover mula sa mga suspect ang walong malalaking sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa isa’t kalahating kilo ang timbang.
Bukod pa rito, isang rifle replica, samu’t saring mga bala at drug paraphernalia ang nakumpiska sa mga suspek.
Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.