5 patay sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila

Patay ang limang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga nasawing sina Lexter Montaniel, Edgardo Española, Godfrey Gutierrez, Rolly Mangilin at isang alyas “Boy” na siyang target ng operasyon.

Ayon kay Senior Insp. Ana Lourence Simbajon ng Sta Cruz Police Station, nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya laban sa target na si alyas ‘Boy’ sa Elias Street pasado alas-otso ng gabi ng Miyerkules.

Nang magkaabutan ng shabu at buy bust money ay nakatunog daw ang suspek kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Napilitan namang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek.

Itinakbo pa sa ospital ang mga suspect, pero binawian rin ng buhay.

Narecover sa crime scene ang limang caliber .38 na revolver at ilang sachet ng hinihinalamg shabu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District sa nasabing insidente.

Read more...