Presensya ng China sa Pag-asa Island, hindi kinumpirma ng DFA

inquirer.net photo

Ayaw kumpirmahin ni Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano ang sinasabing presensya ng mga barko ng China sa Pag-asa Island.

Sa isang pulong balitaan dito sa Kamara sinabi ni Cayetano na wala namang dapat ikabahala ang publiko.

Tiniyak din nito na ihahayag niya sa publiko kung may cause for diplomatic o military alarm.

Hindi pa naman masabi ng chief diplomat kung maghahain ang bansa ng diplomatic pero siniguro nito na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa China.

Paliwanag pa ng kalihim na kung noon ay diplomatic protest agad ang ginagawa ng gobyerno pero iba na anya ang estratehiya ngayon dahil nakatuon sila sa mga peace dialogue.

Iginiit nito na mas epektibo ang ganitong mga hakbang dahil tiningnan ng bansa ang China ngayon na hindi kalaban bagkus isang kaibigan.

Read more...