Isa si Taguba sa siyam na respondent na inireklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ, dahil siya ang nagproseso at naghanap ng consignee para mailabas ang 6.4 billion pesos na shabu shipment sa Bureau of Customs.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaaring maging state witness si Taguba kung lumabas na hindi siya “most guilty” sa krimen.
Kinakailangan magsumite ni Taguba ng salaysay para mapasailalim siya sa provisional coverage ng WPP kung sakaling gustuhin nito mag-apply.
Dadaan pa rin sa masusing pag-aaral ang gagawing salysay ni Taguba upang malaman kung nararapat nga ba siyang mailagay sa ilalim ng WPP.