Duterte, nanindigan sa pag-kampi kay Faeldon

Patuloy pa ring pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang suporta kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito’y sa kabila ng serye ng mga imbestigasyon sa Kongreso tungkol sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa ilalim ng pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), iginiit ni Duterte na kinakampihan niya pa rin si Faeldon dahil sa pagiging tapat nito.

“I stand by him. Really honest,” ani Duterte.

Naniniwala si Duterte na nalusutan lang si Faeldon ng mga tiwaling opisyal ng naturang kawanihan, lalo’t halos lahat sa mga opisyal ng BOC ay sangkot sa kurapsyon.

Una nang inamin din ni Faeldon na patuloy talagang namamayagpag ang katiwalian sa BOC, ngunit nahihirapan siyang wakasan ito dahil mag-isa lang siya sa laban.

Read more...