Ayon kay Uber regional manager Mike Brown, tinitiyak nila sa kanilang mga drivers at mga riders na aaksyunan nila ang problema sa lalong madaling panahon upang maibalik na nila ang kanilang operasyon na suspendido ng 30 araw.
Ani pa Brown, numero uno nilang prayoridad ang mga mananakay na araw-araw gumagamit ng Uber, pati na rin ang mga drivers upang makabalik na sila sa pamamasada para sa kanilang kita.
Matapos ang pagpapatawag ng ilang mga senador sa LTFRB at Uber kahapon, nanindigan pa rin ang ahensya sa kanilang ipinataw na kaparusahan.
Tiniyak rin ni Brown na susunod sila at igagalang nila ang mga polisiyang ipatutupad ng LTFRB, kasabay ng pagpapasalamat niya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang kumpanya.