LTFRB at Uber, maghaharap pa muli sa susunod na linggo

Wala pang nabuong kasunduan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang transport network company (TNC) na Uber sa kabila ng kanilang pagpupulong kasama ang ilang senador kahapon.

Ayon kay LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, magsasagawa sila ng hearing sa Miyerkules, August 23 para sa naging paglabag ng Uber dahil sa patuloy nilang pagtanggap ng mga aplikasyon sa kabila ng kautusan ng ahensya na itigil muna ito.

Ani Lizada, nangangahulugan ito na habang hindi nareresolba ang kaso ng Uber ay hindi muna aalisin ang suspension order Laban sa kanila.

Samantala, iminungkahi naman ni Sen. JV Ejercito sa LTFRB na paiksiin na lamang ang suspension sa Uber at patawan na lamang ito ng mas mataas na multa.

Sa ganitong paraan, ani Ejercito, mas magiging direkta ang epekto sa Uber.

Read more...