(UPDATE) 3 suspected kidnapper, patay sa shootout

Kuha ni Justinne Punsalang

BINAN City –  May mga Indian nationals din na sangkot sa pagdukot sa isa nilang kababayan na humantong sa pagkakapatay sa tatlong suspek.

Ito ang sinabi ni Police Sr. Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP – Anti Kidnapping Group at aniya sa katunayan maaring isang Indian national pa ang namumuno sa grupo.

Kuha ni Justinne Punsalang

Samantala, sinabi ni Dumlao na maayos na ang kalagayan ngayon ng biktimang si Anial Kumar Sohal, na may negosyong pagpapa-utang.

Ibinahagi ng opisyal na dinukot si Sohal sa Barangay San Antonio, dito rin sa lungsod, noong nakaraang araw ng Linggo.

Dagdag pa nito, P20 million ang hinihinging ransom ng mga suspek sa pamilya ng biktima at sa negosasyon ay naibaba ito sa P935,000 paunang bayad.

Nabatid na nagkaroon na ng palitan ng putok nang makita ng mga operatiba ang sasakyan ng mga suspek, isang blue Toyota Corolla (UMA 548) sa Southwoods Toll Plaza, na ilang metro na lang ang layo mula sa sangay ng McDonalds kung saan naman magaganap sana ang ‘pay off’ ng ransom.

Binanggit pa ni Dumlao na may tatlo pang suspek na hinahanap.

Read more...