Matapos harapin ang CA nagsagawa ng closed-door meeting ang mga miyembro at doon na naganap ang botohan.
Nagtungo pa sa plenaryo si Taguiwalo at personal niyang narinig ang kabiguan niyang makuha ang pag-apruba ng mayorya sa hanay ng mga miyembro ng makapangyarihang komisyon.
Labin-tatlo ang umayaw kay Taguiwalo, samantalang may ilang senador na ang nagbunyag ng kanilang boto at pabor sa kalihim ang kanilang boto.
Bunga nito, hindi na maaring muli i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguiwalo, na kailangan na rin lisanin ang kanyang opisina. (Ruel Perez)
MOST READ
LATEST STORIES