Kahit may apela, Uber, binalaan ng LTFRB sa pagbabalik-operasyon

Radyo Inquirer Photo | Wilmor Abejero Jr.

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga Uber driver na maari silang mapatawan ng patusa kung patuloy na bibiyahe.

Inilabas ng LTFRB ang babala matapos na ihayag ng transport network company (TNC) na balik-operasyon na sila dahil naghain sila ng motion for reconsideration sa cease and desist order ng ahensya.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, kinakailangan munang hintayin ng Uber ang magiging resulta ng deliberasyon ng ahensya hinggil sa apela.

Hangga’t wala aniyang pasya ang LTFRB sa mosyon, hindi pa maaring tumanggap ng mga pasahero ang Uber.

Ang Uber drivers na mahuhuli ay pagmumultahin ng P120,000 at maari ding ma-impound ang kanilang sasakyan sa loob ng tatlong buwan.

 

 

 

 

 

 

Read more...