Sa ulat ng Korean Central News Agency, nagpasya umano ang North Korean leader na antabayanan muna ang mga magiging susunod na hakbang ng US gayundin ang mga pahayag ni President Donald Trump.
Ngayong araw ay nagsagawa ng inspeksyon si Kim sa command ng North Korean Army at pinag-aralan ang planong pag-atake sa Guam.
Sinabi umano ni Kim na kung magpapatuloy ang mapanganib na hakbang laban sa Korean peninsula at bisinidad nito, ang North Korea ay maglalabas na ng mahalagang desisyon hinggil sa pag-atake.
Sa kabila ng pasya ni Kim, inatasan pa rin nito ang militar na lagging maging “fire-ready” sakaling magpasya siya na ituloy ang pag-atake sa Guam.