Kasabay nito, sinabi pa ni LTFRB board member and spokesperson Aileen Lizada na mai-impound din ng tatlong buwan ang sasakyan ng mahuhuling pumapasadang Uber partner.
Giit ni Lizada, dapat ay down na ang sistema ng naturang transportation network company dahil malinaw na nakasaad sa inilabas nilang suspension order na cease and desist na ang operasyon nito.
Ibinahagi nito na sila mismo ang nakapagpatunay na nilabag ng Uber ang kanilang July 26 order na nagbabawal muna sa pagtanggap ng mga bagong application.
Aniya tatlong sasakyan ang nagawa nilang maipasok sa Uber sa pamamagitan ng online application.