Pulis, patay sa pananambang sa Maynila

Inquirer Photo | Grig Motegrande

BREAKING: Patay ang isang pulis makaraang tambangan sa Ayala Ave. kantong San Marcelino St., sa lungsod ng Maynila.

Naka-uniporme pa si PO2 Mark Anthony Peniano – 36 anyos at kasama ang kaniyang anak na babae nang sya ay tambangan ng riding in tandem.

Ihahatid sana ng pulis sa Technological University of the Philippines sa Ayala Avenue ang kaniyang anak nang siya ay pagbabarilin ng mga suspek.

Nabatid na ang nasabing pulis ay nakatalaga sa special statitistical unit ng Manila Police District.

 

 

 

 

Read more...