Panalo ang koponan ng Pilipinas kontra Vietnam sa AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa score na 27-25, 26-24, 17-25, 25-23 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Dahil dito gumanda ang standing ng bansa sa 1-2 sa Pool E.
Bumagsak naman sa parehong standing ang Vietnam na siyang silver medalist sa 2015 Southeast Asian Games.
Ayon kay Philippine Head Coach Francis Vicente, inspiradong naglaro ang kanyang mga manlalaro.
Aniya ang pinakita ng mga ito na gusto talaga nilang manalo.
Pinangunahan ni Alyssa Valdez ang koponan sa score na 20 points habang si Jaja Santiago naman ay merong 19 points at si Aby Maraño naman ay nakapagtala ng 11 points.
MOST READ
LATEST STORIES