Nasa 312 na ang nasawi matapos matabunan ng lupa ang putik ang maraming kabahayan sa gilid ng isang bundok sa bansang Sierra Leone sa Africa.
Ayon sa mga otoridad, malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang naturang bilang dahil maraming mga residente ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Naganap ang mudslide sa gilid ng bundok sa Regent area sa bayan ng Freetown na kapitolyo ng Sierra Leone habang mahimbing na natutulog ang mga residente.
Sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, bigla na lamang umanong dumagundong ang lupa na sinundan ng pagbaha ng matinding putik mula sa kabundukan na siyang tumabon sa maraming kabahayan.
Nagpapatuloy ang rescue efforts ng mga otoridad sa mga na-stranded at nawawalang mga biktima.
Tinatayang nasa mahigit 2,000 naman ang nawalan ng tirahan sanhi ng trahedya.