Maute group sa Marawi, nasa 40 na lamang; Hapilon buhay pa-AFP

 

Nasa 20 hanggang 40 na lamang ang nalalabing puwersa ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Brig Gen. Restituto Padilla, patuloy na lumiliit ang puwersa ng teroristang grupo dahil sa patuloy na opensiba ng militar.

Sa kabila nito, itinuturing pa ring seryosong banta ng militar ang naturang grupo kahit maliit na lamang ang kanilang bilang.

Kahit kakaunti na lamang, may kakayahan pa rin aniya ang mga ito na makapaminsala at kumitil ng buhay, dagdag pa ni Padilla.

Bukod dito, may mga hawak pa rin aniyang bihag ang mga ito kaya’t nananatiling komplikado pa rin ang sitwasyon sa lungsod.

Samantala, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Eduardo Año na buhay at nananatili pa rin sa Marawi City si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Ito aniya ay batay sa pinakahuli nilang impormasyong nakalap mula sa mga assets.

Ito aniya ay nagtatago kasama ang ilan pang terorista sa isang mosque sa Marawi City.

Read more...