Poe dismayado sa suspensyon ng Uber, mga opsiyal ng LTFRB ipatatawag

 

Ipapatawag sa Miyerkules ni Senador Grace Poe ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board matapos nitong suspendihin ng isang buwan ang operasyon ng Uber.

Dismayado ang senadora dahil sa kautusan ng ahensya na suspendihin ang naturang Transport Network Service Company, ay ang publiko na naman ang maapektuhan.

Dahil aniya sa suspensyon, halos 200,000 mananakay araw-araw ang maghihirap sa paghahanap ng maayos na masasakyan sa loob ng tatlompung araw.

Nang ipatawag aniya noon ng Senate Committee on Public Services ang LTFRB at mga kinatawan ng TNC’s ay sinabi ng komite na dapat na ayusin ng mga ito ang kanilang mga isyu.

Gayunman, sa halip na gawing maginhawa aniya ang buhay ng mga mananakay, lalo lamang pinalala ng kautusan ng LTFRB ang sitwasyon.

Dapat aniyang nag-isip ng ibang paraan bukod pa sa pagpapataw ng suspensyon ang LTFRB laban sa Uber upang hindi na hindi ang publiko ang siyang maapektuhan at maghihirap.

“Why can’t the LTFRB be innovative in coming up with an appropriate penalty that is fair and that will not prejudice the riding public? Is there no other less crippling penalty at our disposal? Thirty days is a long time,” pahayag ng Senador.

Read more...