Ayon kay Manuel Sanchez, pangulo ng Home Guaranty Corporation o HGC, malaking halaga ang hindi naipapasok sa gobyerno kada taon dahil sa pagtanggi ng negosyanteng si Reghis Romero na kilalanin ang 32% share ng ahensya sa HCPHI.
Matatandaang bumuo ang pamahalaan at ang R-II Builders ng joint venture upang i-develop ng HCPHO o ang Smokey Mountain Housing Project kung saan nakuha ng gobyerno ang 60 % stake sa partnership.
Subalit ayon kay Sanchez, kinuha pa ni Romero ang iba pang share sa joint venture hanggang bumaba sa 28% ang parte ng HGC.
Ang kasong ito ay pending pa rin sa Court of Appeals sa pagnanais na mabawi ang share ng HGC sa port terminal.
Nilinaw din ni Sanchez ang kanilang pagtutol sa alok ni Romero na bayaran ang pamahalaan para sa kontrobersyal na Smokey Mountain Development and Reclamation project.
Ipinaliwanag ni Sanchez na hindi katanggap-tanggap ang alok ni Romero na 2.9 billion pesos dahil ang halaga nito ay 9.5 billion pesos.