Petitioner sa pagtatayo ng Torre de Manila, nagbalak din na magtayo ng gusali sa likod ng bantayog ni Rizal sa Luneta

torre-de-manila
Inquirer file photo

Nadiskubre na mismong ang Knights of Rizal na petitioner sa kaso ng Torre de Manila ay nagplano rin pala na magtayo ng cultural center sa mismong likuran ng bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Luneta.

Ito ang ibinunyag ni National Historical Commission of the Philippines Chairperson Maria Serena Diokno.

Bilang patunay aniya ay hawak pa nila hanggang sa kasalukuyan ang mismong plano, blueprint at disenyo ng cultural center na iminungkahi ng Knights of Rizal na itayo sa likuran ng monumento ng pambansang bayani.

Magugunitang hinarang o pansamantalang pinigil ng Korte Suprema sa pamamagitan ng temporary restraining order ang konstruksyon ng tinaguriang pambansang photobomber sa bantayog ni Rizal sa Luneta.

Read more...