20 miyembro ng BIFF na ang nasawi sa clan war sa Maguindanao simula August 7-AFP

 

Hindi bababa sa 20 myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasawi simula nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng grupo at ng Moro Islamic Liberation Front sa Maguindanao noong August 7.

Ayon kay Col. Gerry Besana, 6th Civil Military Operations chief ng 6th Infantry Division, lima naman ang nasawi sa panig MILF, habang hindi naman bababa sa 10 ang sugatan.

Nagtamo rin ng sugat ang 15 myembro ng BIFF.

Ayon kay Besana, nagkaengkwentro ang dalawang grupo nang tangkain pasukin ng BIFF ang isang lugar sa Datu Saydona na kontrolado ng MILF.

Nagbibigay ng artillery support ang militar sa MILF kontra BIFF na nakipag-alyansa sa teroristang ISIS.

Ang naturang datos ay ibinatay ng militar sa ulat ng GPH-MILF ceasefire monitoring units sa Maguindanao.

Read more...