Piñol magbibitiw kapag kumalat ang bird flu sa bansa

Inquirer file photo

Handang magbitiw sa pwesto si Agricultre Secretary Manny Piñol kapag kumalat ang bird flu sa Visayas at Mindanao region.

Ayon kay Piñol, ginagawa naman lahat ng ahensya ang kanilang makakaya at nakikipag ugnayan na rin sila sa concerned agencies para mapawi na ang agam agam ng publiko sa outbreak sa Pampanga.

Umapela rin siya sa publiko na huwag mag-panic dahil kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon.

Sinabi rin ng opisyal na safe pa ring kainin ang mga manok at iba pang poultry products basta’t lulutuing maigi.

Kasunod nito, nilinaw ng kalihim ang inilabas na ban ng D.A sa pagbyahe ng poultry products mula sa Luzon.

Paliwanag ni Piñol, batay sa inilabas nilang memorandum circular 09-2017, nakasaad na kung kukulangin ng supply ng manok ang kabuuan ng Luzon ay maaaring mag-supply ang mga chicken producers mula sa Visayas at Mindanao.

Pero nananatiling bawal itawid ang mga manok at poultry products mula luzon patungong Visayas o Mindanao region.

Nananatili namang kontrolado sa ilang lugar sa Pampanga ang epekto ng bird flu ayon pa sa mga eksperto.

Read more...