Aprubado na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang pagpapaliban ng SK at Barangay elections sa Oktubre 2017.
Sa botong 19-2 ng mga miyembro ng komite na pinamumunuan ni Cibac Rep. Sherwin Tugna kaagad inaprubahan ang anim na panulakang postponement ng eleksyon.
Kabilang din sa inaprubahan ang pagdaraos ng eleksyon sa ikalawang lunes ng Mayo ng susunod na taon.
Magsisilbi naman sa hold-over capacity ang mga kasalukuyang SK at Barangay elections.
Halos dalawang oras lamang tumagal ang pagdinig at kaagad inaprubahan ng pagpapaliban sa halalan.
Nauna ng napagkasunduan sa isinagawang all member caucus ng mga miyembro ng House of Representatives na isabay ang SK at Barangay elections sa gagawing plebesito para sa Charter Change at BBL.