Comelec, magkakaroon ng pagbabago sa susunod na linggo–Comm. Lim

 

Ibinunyag ni Comelec Commissioner Arthur Lim ang posibilidad na pagbibitiw sa puwesto ni Chairman Andres Bautista.

Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms,
inihayag ni Lim na mayroong magaganap na development sa komisyon sa susunod na linggo.

Gayunman, tumanggi ito na sabihin kung ano ang maaring mangyari sapagkat wala siya sa posisyon upang ihayag ito.

Tatlo anya ang maaring mangyari sa susunod na linggo kabilang na ang pagpapatuloy ng trabaho ni Bautista sa Comelec, paghahain nito ng leave of absence at ikatlo ay ang pagbibitiw aa puwesto.

Gayunman, iginiit ni Lim na isa silang collegial body kaya kahit walang Chairman Bautista ay nagpapatuloy ang mandato ng komisyon.

Read more...