Pilipinas, wala pang stock ng bird flu vaccine

 

Aminado si Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na wala pang available na gamot para sa bird flu sa bansa.

Sa isang ambush interview sa Kamara, sinabi ni Tayag na madali namang makakapag-request ng bird flu virus medicine sa mga international health organization kung kakailanganin.

Kampante naman si Tayag na bihira lamang na makahawa ang avian influenza virus.

Kailangan kasi ayon sa opisyal na mayroong direct contact sa manok na mayroong avian influenza virus bago mahawa.

Iginiit naman ni Tayag na wala pa silang naitatalang tao na nahahawa sa sakit mula sa manok.

Siniguro naman nito na maari pang kainin ang manok na mayroong avian influenza virus at ang kailangan lamang ay lutuin itong mabuti.

Read more...