Draft ng BBL, ipaparating na sa Malacañang

 

Ipadadala na ng Malacañang sa Kamara ang draft ng Bangsamoro Basic Law ngayong linggo.

Ito ay magaganap isang buwan ang nakalipas mula ng isumite ng Bangsamoro Transition Commission ang final draft nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipauubaya na nila sa mga mambabatas kung pag-iisahin nila ang BBL draft sa panukalang batas na una nang inihain ni Pamapnga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Matatandaang ipinahayag ni Duterte na sesertipikahan niyang ‘urgent’ ang panukalang BBL.

Read more...