Kinumpirma ng Department of Agriculture na nagsimula na sila sa culling o pagpatay sa mga mga manok at itik na apektado ng avian flu virus.
Sa isinagawang press conference, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piniol na aabot na sa 18,685 ang na-culled o nakatay na simula pa noong Sabado ng hapon.
Ginawa ng D.A ang culling sa tinaguriang “ground zero” na sakop ng 1-kilometer radius na contained area.
Tiniyak naman ng kalihim na “humane” at hindi naman brutal ang naging pagpatay sa naturang mga ibon.
Sinabi naman ni Dr. Arlene Vitiaco na dumaan sa apat na laboratory tests ang mga infected na manok bago ito nakumpirma na may avian flu.
Samantala, umapela naman si Piñol sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa pagkalat ng flu.
Pakiusap nya, tigilan na ang pagbibigay ng maling komento at hayaan na lang ang mga eksperto na magresolba nito.
Ang mga apektado naman na mga raisers ay pagkakalooban ng calamity aid at financial aid ng DA.
Maliban dito, pinagpaplanuhan na rin ng ahensya na bigyan sila ng livelihood program.