Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong mahistrado sa Korte Suprema

May itinalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ay sa katauhan ni Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo na itinalaga bilang kapalit ni Justice Jose Mendoza.

Si Mendoza ay nagretiro noong Linggo, August 13, matapos sumapit sa edad na 70.

Nabatid na natanggap na ng Korte Suprema ang appointment paper ni Gesmundo mula sa Malakanyang.

Si Gesmundo, 60-anyos ay nakakuha ng pitong boto mula sa Judicial and Bar Council (JBC).

Bago ang pagkakahirang sa Supreme Court, si Gesmundo ay chairperson ng Sandiganbayan Seventh Division.

Nagsilbi si Gesmundo na mahistrado ng anti-graft court sa loob ng halos ng 12 taon.

 

 

 

 

 

 

Read more...