DTI, nag-inspeksyon sa presyo ng poultry products sa palengke

Kuha ni Mark Makalalad

Nag-inspeksyon ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa NEPA Q-Mart at Farmers market upang kamustahin ang presyo ng mga poultry products.

Ito’y kasunod pa rin ng Avian influenza outbreak sa Pampanga na kumitil na sa buhay ng 37,000 na ibon doon.

Sa pag-iikot ni DTI Usec. Teodoro Pascua, nabatid na tumumal na ang bentahan ng manok kaya naman nagbaba na ng presyo ang ilang tindera kung saan ang dating P140 hanggang P150 kada kilo ay nasa P130 hanggang P135 kada kilo na lang ngayon.

Nag-inspeksyon din ang DTI sa presyo ng mga isda at karne ng baka.

Maari umano kasing magkaroon ng pagalaw sa presyo ng mga ito dahil ito ang mga alternative sa manok.

Pero kanilang napag-alaman na stable rin ang presyo ngayon ng isda at baka.

Samantala, umepla naman ang DTI sa mga konsumer ng manok na tangkilikin pa rin ang poultry products sa mga palengke.

 


 

 

Read more...