Umarangkada na ang imbestigasyon ng Department of Justice sa kasong kriminal na isinampa ng PNP-CIDG laban sa negosyanteng si Peter Lim may kaugnayan sa iligal na droga.
No-show sa pagdinig ang tinaguriang Big time drug lord sa Visayas na si Lim at ang convicted drug lord na si Peter Co.
Dumalo naman sa preliminary Investigation si Kerwin Espinosa na nakasuot ng bullet proof vests ng NBI, maging ang iba pang respondents ay present din sa pagdinig.
Sila ay pawang nahaharap sa reklamong paglabag sa section 26 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o pagbebenta ng iliga na droga.
Batay sa reklamo ng CIDG, Si Peter Lim ang itinuturong supplier ng droga ng grupo ni Espinosa.
Sa panayam sa isa sa mga abogado ni Lim na si Atty. Magilyn Loja ay itinaggi nito na ang kanyang kliyente ang itinuturong si Alyas Jaguar ng PNP.
Itinakda ng DOJ panel ang susunod na hearing sa August 24 ganap na alas 10:00 ng umaga para sa paghahain ng kontra salaysay ng mga mga respondents sa kaso.