Dahil sa bird flu scare, presyo ng manok sa mga pamilihan, bumaba na

Nakapagtala na ng pagbaba sa presyo ng manok sa mga pamilihan lalo na sa Metro Manila.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, mula sa dating average na P160 per kilo, nasa P135 na lang ngayon ang kilo ng manok.

Sa wholesale naman, mula sa dating P125 ay P110 na lang ngayon ang bawat kilo.

Ito ay dahil sa kumonti ang bumibili ng manok bunsod ng bird flu scare.

Samantala, bantay-sarado na ang pagbiyahe sa mga manok mula Luzon kasunod ng paglalagay ng mga checkpoint.

Iniutos kasi ng Department of Agriculture ang ban sa shipment ng lahat ng manok galing Luzon para hindi na kumalat pa ang bird flu sa iba pang lugar sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...