Dahil sa walang tigil na pag-ulan at pagtaas ng tubig, daan-daang elepante at rescue boats ang idineploy para irescue ang aabot sa 500 katao na na-trap sa isang sikat na resort sa timog na bahagi ng Nepal ayon sa mga opisyal.
Ilang mga hotel sa Sauraha sa Chitwan district ang nalubog sa baha na nagresulta sa pagkakatrap ng mga turista na karamihan ay mga dayuhan.
Ang patuloy na pag-uulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nagresulta na sa pagkakasawi ng 49 na katao at 17 pa ang nawawala.
Apektado naman ang linya ng komunikasyon at pinutol ang kuryente sa ilang lugar.
Mahigit kumulang 100,000 katao na ang apektado ng pag-ulan.
Sapilitang inilikas sa kanilang mga bahay ang mga residente sa mga hard-hit areas dahil sa pangamba ng mga opisyal na maaring tumaas ang bilang ng mga namamatay.
Maraming tulay at daan ang nasira na humahadlang sa rescue efforts ng pamahalaan.